Sunday, October 19, 2008

mai peysles pren

disoras na bago akong nakatulog kagabi, nawili kasi sa pikikipag-chat kay angkor tungkol sa mga bagay bagay na wala namang koneksyon sa isa't isa. ganun siguro ang dahilan kung bakit ako naaaliw sa pakikipagsatsatan sa kanya, parang ang gaan kasi nyang kausap. maski na kung mapaseryoso man ang paksa, parang di sya gaanong kabigat kapag sya ang kakulitan.

ang ganda nga ng timing nya, since madalang nga kami magkita online. medyo bad trip ako kagabi kaya nagmistulang hulog ng langit ang pag-appear nya sa YM. di ko man kinuwento kung bakit ako naiinis, parang nailabas ko na rin lahat ng sama ng loob ko sa kanya sa pamamagitan ng pagbibiro. ipinaliwanag ko sa kanya, maski di namin pinaguusapan, basta malibang lang ako, sinabi ko, maaayos rin ako. nirespeto din naman nya na ayaw kong syang pagusapan, nagbitaw na lamang sya ng abiso at tumuloy sa ibang paksa.

iba si angkor sa mga nakakausap ko online. sya pa lamang ang napansin ko na di nagmimistulang "emotional vampire" sa akin. madalas kasi, ako ang binabalingan ng sama ng loob at ako ang nagaaliw ng iba. di naman sa nagrereklamo, pero minsan, masarap rin na ako ang sinunuporta at inaaruga. pakiramdam ko, matatag si angkor. maninaw magisip, di sobrang emosyonal at may konting kapilyohan rin. dala siguro rin ito ng edad nya. iba rin talaga kapag marami ka nang pingadaanan. ito rin siguro ang dahilan kung bakit swabe lagi ang mga usapan namin. parehong wavelength kasi, feeling in-tune with each other's frequency ba?

di ko pa nakikita ang mukha ni angkor. sa mga pabiro kong paghingi ng facepic ay magaling nya itong iniilagan. ok lang naman, di naman sobrang importante ang hitsura sa akin. maganda lang kasi na buo ang pagkatao ng kausap ko, lalo n'ang cyber friend. napabuti man ng teknolohiya ang buhay natin ay, sa aking palagay, nagsilbing balakid naman ito sa maayos na pikikipagugnayan ng mga tao.... pero, ibang storya na 'yun. konswelo de bobo ko na lamang siguro kay angkor na maski di ko sya nakikita e nararamdaman ko naman ang pagkatao nya. minabuti ko nalang na bigyan muna sya ng kathang-mukha sa isipan ko, hinulma sa mga karanasan ko sa pakikipagusap sa kanya. binigyan ko sya ng mukha ng isang mabuting kaibigan.

2 comments:

Anonymous said...

hehehe. swerte ko naman meron akong cyberfriend na mag-aaliw sa akin kapag may problema ako. joke. :)

meron pa palang natitirang "emo funk" sa iyo. hmmmmm. ako na lang kaya ang magbibigay aliw sa iyo? kaso dalawa na kami ni angkor niyan. baka mas lalo kang maguguluhan. hehehe

jamie da vinci! said...

sabi ko kay angkor... hanggang merong akong hangin na maibubuga, di ako mauubusan ng "emo funk" :) life as they say is like a wheel, sometimes ur up, sometimes ur down, sometimes u roll over shit :)