alas-tres y medya na ngayon. ilang sandali na lang, bente kuwatrong oras na ang nakalipas nang huli akong napikit upang makatulog. dilat na dilat pa rin ang utak, wala namang 'tong iniisip pero ayaw paring sumoko sa tukso ni antok. pilit pa rin siyang nagmamatigas habang hinahayaan ako, lasing na sa pagod, na manatiling gising. sumasakit na ang ulo, naduduling na ang paningin, hirap nang mag-type at magbasa at kanina, dahil ingles ako magsulat, hirap na ring magisip kung paano isulat ang laman ng ulo. di ko lang alam kung bakit tagalog bigla ang gamit ko ngayon.
ganun siguro yun. pagpuyat, tagalog na ang lingua franca ng aking kaluluwa, kung ano pa mang parte sa kanya ang nananatiling gising. natahimik na kasi ang sumasapaw na masedukadong parte ng aking isipan. wala na akong pakialam sa balirala, ispeling, o pambantas man. hala bira at sulat na lang ng sulat! pansin ko rin pagnakukulangan ako ng pahinga, "bumibilog ang buwan". tulog na rin kasi ang konsensya kaya lahat ng puwedeng maisip na katarantaduhan at kamunduhan, naiisip at nararamdaman din. ganito siguro ang pakiramdam ko kapag ako'y malasing. nawawala lahat ng takot at konsiderasyon, tanging naiiwan lang ay ang hilaw na ideya at ang desisyon kung gagawin ko ba o hindi.
pakiramdam ko ngayon ay para akong lumulutang sa ere. minamabuti kong itakda lahat ng nararanasan ko ngayon dahil sa aking palagay, mahaga na matandaan ko itong lahat dahil baka di na to mangyari muli. ayaw ko na itong mangyari muli. minsan lang naman kasi akong napupuyat habang nagaaruga ng pusong sumasakit, at minsan lang naman rin ako, dahil sa puyat, nagiging ganitong katapat sa sarili. alam kong malilintikan na naman ako sa aking sasabihin ngunit, hinahanap hanap ko pa rin ang bagay na aking naiwan. iniisip ko parin kung paano kaya kung naiba ang mga pangyayari. kung naging ibang tao kami. kung di ako sobrang takot. kung di ako sobrang nananalig. kung sana, di kami dalawang lalaki na nalulok sa bawal na pag-ibig. alam ko man na tama ang aking ginawa, ngunit di pa rin gumaan ang aking pakiramdam at di pa rin gumiginhawa ang aking sitwasyon na, sa aking palagay, ay nararapat kapag tama ang desisyon mo, diba? pero ganyan lang daw talaga, sabi ni pinsan kagabi. minsan, masakit at nakakasakit ang maging tama, pero kailangan pa rin itong gawin. matagal ko pa raw 'tong dadalhin. matagal-tagal ko pa rin daw ito maiisip at mararamdaman, pero lahat man ay maykatapusan rin. 'wag lang daw akong mawalan ng pagasa at maiinip.
napansin ko, medyo gising pa pala ako nung sinulat ko yung unang talata. madami pala akong iniisip kaya di mapahinga ang utak. pero ngayon... di na ako nagsisinungaling.
masubukan ngang matulog muli.
5 comments:
iba nga pala talga ang nagagawa sa iyo ng puyat. take for example ang linggua franca. its been ages since i've heard this word. hehehe... reminded me of college
ang hirap intindihin yung tagalog mo. but before you try to stab me to death for olay-ing you, let me explain: parang ang bigat-bigat kasi ng nararamdaman ng puso mo at feeling ko no words can express the way you feel right now. hehe.
serioso. I mean it.
Peace na tayo! :)
@peripheral. it never fails to surprise me what things surface in the dead of night during my insomnia attacks. sometimes it's pleasant, sometimes not. i even managed to write a poem before.
@theo. peace bro!
you think my tagalog is hard to understand... this afternoon while driving, i was already considering writing a post in CHINESE!!! coz it seems tagalog was not enough anymore. but then, i had to learn how to type in pin-yin. since i too am lazy.... i scraped the idea :)
the feelings will hopefully soon fade. i am robing itself of its power over me and taking control of my life again.
"at minsan lang naman rin ako, dahil sa puyat, nagiging ganitong katapat sa sarili." panalo. totoo ito. madali lang magpakatotoo sa iba, pero maging honest sa sarili, mahirap.
parang nakakapanibago naman na medyo downcast ang mga posts mo lately. sana maayos na ang lahat. saka mas ayos yung profile photo mo na nakangiti ka. nakakaattract ng good karma pag nakangiti!
Post a Comment