Tuesday, February 10, 2009

ang babae sa batis

natunaw ang liwanag
sa'yong kayumangging balat.
isang pinilakang bukal;
tila niyebeng sumusuko
sa bagsik ni amang araw.

kaakit-akit siyang umaagos,
humubog sa iyong hubad na kurba.
kumapit; bumalot; sumaplot;
at iniwan ka sa iyong
maluwalhatiang kintab.

5 comments:

pie said...

afraid, kuya, afraid!! :)

Victor Gregor said...

nakupu. mas magaling kang tumula.

word verif: preess (n; a long press)

Niel Camhalla said...

Wow! I bet if guys in the 50's read this they will get a hard-on. Erotic but not blatant.

peripheralviews said...

Bakit kaya parang rape ang basa ko dito?

tsk...tsk... malisya nga naman.

Dylan Dimaubusan said...

Babae sa Bati s ei,, ehehe.. nice, pwede ka rin palang makata. nyahahaha!

you do have talents, in sketching, writing, tas poet ka pa.. tas athlete pa.. san ka pa???

;D