una kong narinig ang pangalan nya habang kasama ko ang aking mga bagong blogging prends habang umiinom nang maiinit na kape sa istarbuko sa CCP. sa tutuusin, ako lang ata ang umiinom ng mainit na kape nuon, napaso pa nga 'ta ako habang dahan-dahang sinisipsip ang umuusok kong venti cafe americano (mahilig kasi ako sa mga matatapang na kape, kasi di ako tinatablan, di tulad ng iba na nagmimistulang mga nakahithit ng chongki, kahit decaf frap lang naman yung ininom.. arte). habang kami'y naguusap, biglang nabanggit ng isa sa amin ang mga video ng isang pilipinong nakatira sa canada. jodinand ang pangalan nya. nung una'y di ko sobrang naintindihan ang aking narinig. mahirap namang kasing kilalanin ang mga kakaibang mga pangalang, lalo na yung mga bibihiran mo lamang marinig, tulad ng, um, er.... JODINAND. bagong rapper ba sya? hindi pala, youtube-er pala sya. medyo makulit raw, nakakatawa, nakakatuwa, at sa katagalan ay, nakakabighani rin... nakatulong rin raw kasi na may hitsura siya.... maski na medyo katangitangi ang pangalan nya (peace tayo, bro. hehehehe)
medyo matagal pa naming siya pingausapan at ang mga video na ginawa nya. la kalagitnaa'y naitalakay namin kung may posibilidad ba na siya'y isa ring "diwata" tulad namin . nagbigay ang mga kasama ko ng kani-kanilang mga kuro-kuro tungkol dito, ngunit dahil mahirap maghinala, lalo na sa mga personalidad sa cyberspace na walang sapat na pruweba (baka ma lolit solis pa kami ng di oras), iniwan na lamang namin ang tanong na nakabitin sa ere at tumuloy sa ibang kuwento... tulad ng sinong gaganap ng mga bagong Dodong sa Zsazsa Zaturnnah.
dahil sa labis akong mapagsaliksik o dahil wala lang akong magawa at mahilig lang akong magusyoso, minabuti ko na sa aking paguwi ay hanapin nga 'tong jodinand na ito at alamin sa aking sarili kung ano ba tungkol sa kanya ang kinagagalak ng mga kasamahan ko.
di na ako magpapaliwanag (dahil nauubusan na ako ng tagalog at nahihirapan na rin akong magsulat na parang tumitirik na kotse), panuurin nyo la lang ito at kayo na ang humusga.
ako'y labis na natuwa sa pagpapanuod nito. masnatuwa pa ako lalo, dahil habang nanunuod ako'y napadaan sa aking likod si inang irog :) tamang tama ay naghubad si jodinand at nagbihis babae. natuliro si inay at naghinala siguro na ako'y nagaaral kung paano maging ganap na binabae... at binatukan ako bigla! di ko alam kung paano ako kikilos.... kung magagalit ba ako dahil medyo malakas ang pagbatok sa akin o tatawa nalang.... sa kahulihan ay tumawa na lamang ako. nakakatawa rin naman kasi ang ginawa ni inay. nakakatawa rin ang hitsura nya at mukhang takot na takot, inisip siguro na wala na talagang pag-asa anak nyang magbago.
haaaayyyy, paano na yung parlor na gusto ko? ang ganda pa naman ng pink na napili kong kulay para sa mga dingding. ahahahahaha! joke.
kulay lila kasi gusto ko. nyahahahaha!
* * * * *
@VG. i rose, i tried to sustain... i faltered, then i crashed ablaze. i have never felt so fatigued in writing in my life! fun... but i don't think i would like to do it again anytime soon :)
10 comments:
more tagalog posts jaime. masasanay ka rin. sabi nga nila practice makes perfect. :)
magaling. magaling. magaling. =) Ipagpatuloy ang lubos na paglawak ng salitang Pilipino.
galing. hehe. masasanay at lalo ka pang huhusay kung uulit-ulitin mong magsulat sa tagalog.
palagay ko kasi, mas maraming bagay na mapag-uusapan nang mas malalim kapag native tongue ang gagamitin.
bakit nga kaya kasi ang hirap magsulat sa tagalog?! o kaya naman kapag sinubukan mo eh parang trying hard naman? LOL.
akala ko me kalokohang ginawa si Odin, ibang tao pala. haha.
So hirap ka pala magtagalog?
hmmm... sige mula ngayon, tagalog kita kakausapin. hehe.
Natawa ako sa reaction ng Mom mo.
So, what did you and your friends think of jodinand? is he gay nga? mahina talaga gay-dar ko eh. i'm so clueless...:)
okay naman tagalog mo ah.
i will try to post more in tagalog in the future. i never back down from a challenge, not that i was ever challenged naman :) maybe i just like things hard? hehehe, sounded so masochistic of me, noh?
anyway, regarding jodinand, i can't really tell if he is a fairy :) my opinion is, he's just very animated. besides, wudn't really mind if he wasn't. not all talented and funny people are gay anyway... though most talented and funny people are :) can we help it that we are more evolved? ahahahahaha!!!! joke. baka si Lord na ang bumatok sa akin. hehehe
nice... medyo nanibago ako, but still nice... keep it up!
WAHAHAHAHA!
WOw, Jamie. You are so cool! Akalain mo, nangyari ang di ko akalain.
I can't remember which part ako natawa, Kay mom mo, kay Jodinand, or just the way you wrote it... wehehe. Peace tayo ha.
Nasanay lang talaga akong paduguin ang ilong ko sa post mo eh..Nice try, hope we'll see more of Jamie's writings such as this.
(Ngiti ko abot tenga, sobra)
P.S. Isa rin akong babatok sa'yo if ever. lolz
now lang ako nagstay sa blog mo ng matagal usually first entry lang binabasa ko e,but now i enjoyed lahat ng nsa unang page hehe.
natawa naman ako sa mom mo i could imagine her reaction seing u watching that haha
i think he is gay yun nasa video!si jodinand.halata!
Post a Comment