ikatlong araw na. ikatlong araw na at di pa rin ako gumagaling. actually, mukhang lumalala pa nga ako. mga simtomas ko, mistulang naglalaro ng tagu-taguan. mamaya andyan, mam'ya wala. minsan sasakit ang katawan, mamaya, mawawala. misan sisipunin, mamaya, mawawala. anu bah!!!! nakakaloka na 'to. pakipot pa ba pati ang sakit?
kaninang umaga, nagising ako na di pa sumisikat ang araw. nakabaon na ako sa kumot at unan ngunit, giniginaw pa rin ako. sinubukan kong patayin ang a/c. matagal na akong di natutulog na may a/c ngunit sabi ni inay kagabi, buksan ko raw dahil masmasama kung nakatapat sa akin and elektik pan. sunod naman si dutiful son diba? ayun tuloy, nilagnat naman ako. pinilit kong makatulog ulit ngunit umeksena na katawan ko, spesifikali, si tiyan. nagsimula na'ng paghihinarte ni tiyan at tuloy, napa-aga ang aking ritualeng pangumaga. salamat naman sa diyos at pagkatapos nuon ay nakahabol pa ako sa pagtulog.
medyo masama ang aking pag-gising kanina. para kasing merong nagaaway na rottweiler sa loob ng aking bituka, sabayan mo pa ang aking pagkahilo, dahil siguro sa sobrang dehydration. minabuti kong uminom muli ng 'sang dakot na mga gamot, mula sa aking mga chinese potions hangang imodium. tinunga ko silang lahat in one go, mapaigi lang ang aking pakiramdam. sasamahan dapat ako ni inay sa doktor ngunit sa aking kalagayan, mukhang aaksidentehin ata ako habang nasa byahe. bahay nalang ako, suggestion ko sa kanya. agree naman si inay. di rin ata nya gusto ma-encounter ang predicament ko, e, panikera pa naman sya.
eniweys, heto ako ngayon. nagpupumilit magtrabahao habang naka on-call ang kubeta sa aking mga bigla biglang pagbibisita. in fairness, may magandang naidulot naman ang aking pagkasakit. napansin ko, walang masepektib na pangpapayat, be it fat burner, cardio or weight training, than ang magkasakit. in no less than 3 days, parang my waist line shrunk by 3 inches at lumabas ang cuts ng aking abs!(para bang infomercial to? hahaha, but wait! there's MORE!) talk about looking at the bright side of things. yun lang nga, ayaw ko namang pumayat sa ganitong paraan, baka sa isang linggo, magmistula na akong may marasmus na taga ethiopia!
No comments:
Post a Comment